Dahil late ako sa make-up sked ko ngayong araw at dahil medyo wala pa ako sa mood magpakaburo ulit sa sandamakmak ng VB6 codes: Updates. Updates. Yehey! Dahil may mga updates na naman sa mga previous post ko, ayan, updates galore ako ngayon. Heheh.
My Not-So-Emo Boys
They're not emo anymore! I'm so happy for them. Harhar. Si boy loves girl okay na sila ni girlpren niya. Happy na siya dahil nakikitaan na niya ng pagbabago at ng effort si girlpren niya. Hindi na siya emo. Heheh. Si other emo boy naman, ayon. Basta happy siya ngayon. Ayaw ko ng magbigay ng details, basta happy siya ngayon. Super happy rin naman ako dun sa dahilan ng pagiging happy niya. Heheh. Love ko talaga yung dalawang yun. *hugs them both* Woot!
Thursday ng Friday at Thursday ng Saturday
As expected, hindi ako nakapanood. Hehehuhuhuh. Gusto ko talaga, lichi. Pero ganun talaga eh. Mahal na mahal ko pa naman ang Thursday. Hayzz.
Unconvincing Truth
Hindi ito tungkol kay ***** dahil hindi naman talaga siya yung totoong topic nung post na yun, hahah. Anyhoo. Wala pa rin akong magagawa kung may mga tao sa palagid na masayang nanguurat ng ibang tao sa kadahilanang wala silang magawa sa kani-kanilang mga sariling buhay at may mga issues sila sa sarili nila na feeling nila matatakpan ng panguurat nila sa mga ibang tao. Harhar. Nagpapakasaya sila at the expense of others. Wala rin lalo akong magagawa kung mahilig mambaliktad ng istorya yung mga taong yun just so others will think na sila yung kawawa, sila yung mabait, at kung ano pang ka-eklavuhan. Kung wala naman akong pakialam dun sa mga sasabihin nung mga pinagsasabihan niya ng mga sarili niyang version ng istorya, bahala na siya sa buhay niya. Basta ang mahalaga sa akin, alam ng mga taong mahalaga sa akin yung totoo, wala na akong pakialam sa iba.
Picanto Adventure, First And Last?
Sa huling update ni Patt sa akin ng kaniya sked sa school, yung 3 days niyang pasok na Monday, Wednesday at Friday ay mukang magiging two days a week na lang. Make-credit daw ata yung 3 units nung subject na binagsak niya last sem kya posibleng wala na siyang pasok ng Friday. Tapos kamusta naman yun na coding nga si Pica ng Wednesday hindi ba? Tapos ang pasok naman niya ng Monday 7:30AM to 6PM. Kaya lang naman ako nakakagising ngayong mga nakalipas na araw para makapasok ng 8AM na shift dito sa office ay dahil motivated ako ng 12 work hours kong dapat i-makeup. Kulang na motivation sa pagising ng maaga ang pagpapaalipin sa maarteng kapatid na ayaw mausukan ng jeep. Woot!
Inhale. Exhale. Inhale. Exhale....
Sige lang tuloy pa. Harhar. Dahil masyado akong natutuwa talaga dito sa linya na ito ilang weeks na, actually 1 month na nga ata eh, heheh, tatype ko siya ulit dito bago ako magupdate. "If I keep holding my breath all of these would fade away. If you keep driving we'll be lying in a wreck." So ayan na nga yun, ngayon ko na lang siya irerelate dun sa huling post ko. Kung gugustuhin ko naman kasi, sa dami ng problema namin ngayon ng Biik ko pwedeng itigil ko na lang hindi ba? Pero sabi nga ni Vinny, that's the easy way out -- the way for losers. Oo na, hindi naman ako plastik para sabihing hindi ako natatakot sa mga posibleng maganap, given the issue that we last had, pero dahil mahal ko ang Biik ko pinipili kong ipagpatuloy at magtiwala ulit sa kaniya. Yun na yun. Nagkasundo na rin kami tungkol dun sa transparency and openness thingy. Medyo nagkaroon lang ng misunderstanding sa pagtetext namin na iyun nung hapon. Although medyo naguguluhan pa rin ako ng konti, I'll let things be na lang. Sabi kasi niya kaya daw ayaw niya dahil alam niyang mahihirapan ako mag-adjust at ayaw daw niya ng ganun. Haayyzz. Basta, bahala na lang. Basta gagawin ko na lang kung ano sa tingin ko yung tama. Bahala na kung pano niya itatake yun. Haayyzzz. Eto na naman ako. Woot!
Wednesday, June 4, 2008
Update Galore
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment