Sunday, June 1, 2008

Unconvincing Truth?

You can't force people to believe the truth, most especially if they just don't wanna believe it. Hayzz. Ganun talaga eh, wala naman talaga tayong magagawa sa mga sariling utak ng mga tao sa paligid natin kung hindi intindihin na lang sila, meron lang talagang mga taong sarado at matigas ang makikitid na utak. Pero hindi rin naman lahat sa kanila nakakainis, yung iba lang. Yung iba naman kasi, may rason naman at tamang pinaghuhugutan kaya mahirap mapaniwala sa katotohanan.

Example ng hindi nakakainis, eto. Hindi ko na lang sasabihin yung pangalan nung isa kasi baka kahit wala namang dapat ikapraning yung girl friend nya, mapraning pa rin. Heheh. Nung isang gabi, sa tapat ng office namin, habang hinihintay namin ni ***** yung mga ibang kasama namin uuwi nakita kami nila Miss Kat at Sir Mike habang nasa parking lot sila at hinihintay lumabas ang ibang seniors. Tulad ng dati, inasar na namin kami ni Miss Kat. Heheh. May date na naman daw kami ni *****, tapos nung sinabi naming wala ang sagot ni Miss Kat sa amin, "Kaya kayo naiissue eh, lagi kayong magkasama." Heheh. Isa si Miss Kat sa mga love kong seniors sa office namin, tanggap ko yung mga biro niyang ganun sa amin ni *****. Heheh. Hindi naman ako nainis o kung ano pa man dahil dun sa nangyari na yun sa parking lot, sanay na rin naman ako, pero naisip ko lang, hindi talaga lahat ng bagay madaling ipapaniwala sa ibang tao.

Alam naming pareho ni ***** na wala naman talagang dapat i-issue sa aming dalawa. Sa totoo lang, sanay na rin naman talaga kami na iniisip ng mga ibang tao sa office na merong something sa aming dalawa. Oo, meron nga, pero hindi tulad ng iniisip nila. Meron kaming magandang relasyon bilang magkuya. Mahirap paniwalaan para sa iba na ang isang babae at lalaki na super close sa isa't isa ay walang romantic something, pero wala naman talaga yung sa amin. Nakakatuwa pa nga isipin, na kahit kadalasan ang bonding naming dalawa ay labasan ng emoness tungkol sa kanya-kanya naming karelasyon, recently lang eh gumaganda na yung takbo ng kanya-kanya naming relationships. Pareho na rin kami ng lagay ngayon at ng favorite line, "eh, mahal ko, eh." Hahahah. Sabi nga niya recently lang habang nagkekwentuhan kami tungkol sa problema ko, "magkuya nga tayo." Hahahah.

Actually, hindi ko naman talaga ako nagpost ng ganito ngayon para mag-clear out ng mga issue tungkol sa amin. Naisip ko lang na magandang example kasi iyon para dun sa naisip kong topic para sa post na ito na katotohanang mahirap ipilit sa iba na paniwalaan. Tsaka hindi lang din naman kasi ung incident sa parking lot last Friday yung nagtrigger sa akin na magsulat ngayon ng tungkol sa pagpapaniwala sa mga tao ng katotohanan. Meron pa.

Nung mga nakaraang araw kasi meron isang tao na may isang bagay na pinagpipilitan. Paulit-ulit niya sinasabi ang isang bagay. Nakakatawa dahil ang layo naman sa katotohanan ng mga sinasabi niya tungkol sa akin, at produkto lang ng pag-aassume niyang ewan pero kung makapagsalita siya parang alam na alam niya, pero hindi naman talaga. Ayaw ko na rin mageffort na sabihin pa sa kaniya na mali yung sinasabi niyang yung tungkol sa akin, mukang wala namang pagasang maniwala yun at baka kung ano na namang maisip niyang panggugulo. Hayzz. Ayaw ko na lang magbigay ng iba pang details. Heheh. Ang mahalaga, alam ko at nung isa pang taong involve na hindi naman talaga tama yung sinasabi nung taong yun, bahala na siya basta kami masaya na kami ulit. Heheh.

0 comments:

 
template by suckmylolly.com flower brushes by gvalkyrie.deviantart.com