Monday, June 2, 2008

First Picanto Adventure

Matapos ang animo'y walang katapusang pagdadasal na sana payagan na akong magdrive ng magisa, FINALLY nangyari na rin sa wakas. Harhar. Ilang weeks na rin namang napaguusapan sa bahay na kapag pumasok na ulit si Patt, dadalin ko na araw-araw si Pica, since magkatabi lang yung office ko at school niya, sabay na daw kami papasok. Although super gusto ko naman talaga magdala na ng sasakyan dahil alam nating lahat ang benefits ng may dalang sariling sasakyan, umalma pa rin ako sa nanay ko dahil kamusta naman kasi na 30 pesos lang ang pamasahe ko araw-araw balikan na yun pero kamusta naman din ang presyo ng gasulina ngayon. Kahit na ba sabihin pa natin na halos uber lapit lang naman ng office ko sa bahay namin, at sa pagkaka-calculate DAW ng tatay ko eh more or less mga 1 liter a day lang lalaklakin ni Pica, hello?? Halos 55 pesos na po per liter ang gas, GRRR. At kamusta naman din na kahit kasabay ko ang kapatid kong napakasensitive sa usok ng mga jeep, nararamdaman kong bukod sa ako na nga ang nagsusupply ng load sa kanya buwan-buwan pati ata ngayon transpo cost nya papasok ng school. Harhar.

Anyhoo. Picanto adventure proper na tayo. Hahahah. Nung umaga ayos naman. Ay teka, ayos lang ba yung tatlong beses namatayan ng sasakayan? Hahahah. Pero kasi, if you had experienced driving my Pica, hindi ka na rin naman talaga magtataka kung ang isang katulad kong baguhan ay mamatayan talaga. Tsaka namatayan naman ako dun sa palabas ng subdivision sa may amin, ung uber tarik na pataas siya tapos ang daming dumadaan. Pati dun sa pataas din na intersection sa may Manggahan, Floodway. Hahahah. Bago pa nga ako, pagbigyan niyo na ako. Heheh. Tapos nung pagdating ko sa office, kung saan na lang nagshoot yung pwet ni Pica, dun na lang ako nagpark. Heheh. Buti na lang kasama rin namin yung isa kong tito na although hindi naman nagddrive, mahusay naman mag-guide sa mga tatanga-tanga magpark. Wahahah.

Nung pauwi na ako, eto ang masaya. Harhar. Kung gugustuhin ko, at ayon na rin sa utos ng nanay at tatay ko, sa Manggahan na lang ako dadaan pauwi para bukod sa masmaiksi na yung dadaanan ko, lesser gas na kailngan, wala pang traffic masyado dun. Pero dahil nga unang beses ko pa lang magdadrive ng TALAGANG MAGIS medyo na-scared ako kaya sinabay ko na sina Ykai, Ren at Vinny. Sa IPI ang daan namin dahil dun sila bababa.

Sa una, MUKANG okay naman. Wala naman gaanong problema, ayaw lang bumukas nung liching radio. Hahah. Yung liching clutch lang talaga yung panira. Sukat ba namang sa mismong IPI pa talaga siya ulit naginarte. Kamusta naman na namatayan ako sakto pagka-green ng traffic light sa intersection ng IPI at ako pa naman ang nasa unahan ng lahat ng sasakyan. Wahahah. Siyempre, panic galore na naman ako. Medyo natagalan tuloy ang pagstart ulit ni Pica. Tapos nakita na lang namin nila Vinny na palapit na yung Manong TMPO. Nasakto pa na nung malapit na siya umandar na kami ulit. KABOG. KABOG. Hahahah. Kamusta naman din kasi na pinapahinto niya ako eh nasa gitna na ako ng mismong intersection, kaya ayon, tinuloy ko lang. Wahahah. KINABAHAN AKO! Wahahah. Tapos kamusta naman din na uber traffic dun sa IPI kya no chance pa na makatakas dun kay Manong TMPO. Tapos good luck din dahil kailangan ko pang mag-pass sa lahat ng lane nung isang side ng intersection na iyon mula sa pagkaka-u-turn para lang makaliko papunta ng De Castro. Tapos, KABOG, KABOG, KABOG, si Manong TMPO naman, sukat ba namang parahin ako sa gitna ng uber nakakakabang pakikibaka ko sa lahat ng lane para makalusot papunta nga ng De Castro. Adik talaga yun. Pero kung hindi ko kasama sina Vinny nun, kung hindi baka naiyak na ako sa sobrang kaba. Hahah. Buti na lang kahit monstrous yung itsura ni Manong TMPO hinayaan na lang niya ako. Hahahah.

Tapos, dahil hindi ako makagilid dahil natakot ako sa mga bus dun sa IPI, ayon, sa Rosario ko na naibaba sila Ykai. Sorry na! Huhuhuh. Feeling ko pa sobrang kabadong kabado rin yung tatlong yun sa pagdadrive ko. Hahahah. Sabi pa ni Ren grabe daw makakapit si Ykai nun. Heheh.

Pagkababa nila matiwasay naman akong nakauwi. Kahit na uber kabado akong mamatayan na naman dun sa uber traffic na tulay bago lumiko ng De Castro. Weakness kasi talaga ng team-up namin ni Pica yung mga hanging na ganun, tapos from full stop aandar. Hahahah.

Hindi ko nga dala si Pica ngayon eh. Hindi ko alam kung fortunately ba, o unfortunately, pero tingin ko unfortunately naman siya, heheh, nakuha na kasi ni Patt yung final sked niya at Monday, Wednesday and Friday lang kami pwede magsabay. Coding si Pica ng Wed kaya ayon, Monday at Friday ko lang dala si Pica. Pero tingin ko papagamit pa rin naman sa akin ni Ma yun kapag trip ko. Heheh.

0 comments:

 
template by suckmylolly.com flower brushes by gvalkyrie.deviantart.com