If I keep holding my breath all of this would fade away. If you keep driving we'll be lying in a wreck.......
Signals Over The Air - Thursday
Sorry na, wala lang. Nabanggit ko lang naman yung linya na yan although hindi naman totally related yan sa post na to. Medyo lang. Harhar.
Hayzz. Konti na lang sana yung gagawin ko dun sa isang task ko pero nawala na naman ako sa mood magtrabaho, kaya eto, blog mode na naman.
Nakakalungkot lang isipin kasi na may mga bagay talaga na hindi pwedeng ipilit. Eto na naman ako, nasabi ko na nga ito sa isang post ko, pero ganun naman kasi talaga. Grrr. Grrr lang.
Ikaw na nga yung mageeffort, bukal naman sa loob mo, na magbigay ng buong buo pero nakakalungkot isipin na may mga ayaw pa ng ganun. Ang labo lang. Why would you settle for less if you can get more without effort sa panghihingi? Hayzz lang.
Pero naisip ko rin, siguro nga sobra na kasi yung binibigay ko. Oo na, nakalimutan ko kasi na masama nga rin pala ang sobra. Sorry na.
Pero kasi ganito lang naman yun. Hindi naman kasi ako umaasa na ibigay niya rin ng buo sa akin yung kaniya, pero hindi naman ako plastic para sabihin na wala akong ineexpect na kahit ano sa pagbibigay ko ng buo ng akin. Uber minimal lang naman yung ineexpect ko, simpleng appreciation lang naman or acknowledgment sa gusto kong ibigay. Kaya lang bukod sa hindi na nga tinanggap, pinagalitan pa ako.
Hayzz. Dahil hindi ako makatiis na hindi magbigay ng details, eto na.
Ganito kasi yun, I was giving AJ full visibilty sa lahat ng mga ginagawa ko lalo na sa things involving *****, si upismeyt na nasa post ko nung isang araw. Naisip ko kasi, wala namang issue sa mga kulitan namin ni *****, sa mga harutan namin, lambingan naming pang mag-utol, tsaka, oo na, sa pangungurot ko ng utong niya na ginagawa ko rin naman sa ibang ka-close kong lalaking GYC dito sa upis, tsaka lahat lahat pa ng mga ginagawa namin ni *****. Iniisip ko kasi na sabihin sa kanya lahat dahil ayaw ko ng may kahit anong hindi sinasabi sa kanya. I was after 100% openness and honesty sa kanya. Pero isang malaking GRRR. Dahil nae-emo siya, oo na, mali na nga yung ganun.
At dahil nga alam ko ng mali, nakaisip ako ng solusyon. Naisip ko, para mamaintain pa rin ang transparency ko sa kaniya sa lahat ng ginagawa ko, at dahil din mabigat sa utak ko na may something na alam kong dapat alam niya pero hindi ko dapat sabihin sa kadahilanang mae-emo siya, para wala na lang mga bagay na hindi sasabihin, kahit na ba sa rason na ang bagay na yun ay "BETTER LEFT UNSAID" naisip kong hindi ko na lang gagawin yung mga bagay na yun. Oo, iiwas na ako sa mga harutan at kulitan sa kuya ko. Para wala na rin kasi siyang ipage-emo pa, pero 100% open pa rin ako. Hayzz.
Adjust. Adjust. Ako na nga yung willing sa malaking paga-adjust pero ako na naman yung mali. Ang hirap naman, ang bigat na naman ng utak ko. Hindi ko kasi maintindihan kung bakit hindi na nga niya tinanggap yung offer ko nagalit pa siya sa akin. Sabi pa niya mas-ok na naman daw kasi yung hindi na lang sabihin sa isa't-isa yung mga bagay na ikae-emo ng isa. Asan ang honesty dun? Napagiisip na naman tuloy ako ng negative, na baka natatakot siya na kapag naging ganun ako sa kaniya magexpect ako na maging ganun din siya kaopen at natakot siya dahil marami pala siyang mga things na "better left unsaid." Hayzz. Pessimist mode. Balik na naman sa trust issues.
Hayzz. Ang labo lang talaga. Nalalabuan ako. Hindi ko talaga maintindihan. Hihinga na lang ako ng malalim. HAAAAAYYYYYZZZZ.
Wednesday, June 4, 2008
Inhale. Exhale. Hayzz.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment