Katatapos ko lang magayos na kabinet ko. Pagka-upo ko sa kulay red na sofa sa dressing room namin, habang sinasatisfy ko ang trichothillomania attack ko, naisip ko lang bigla yung movie na Iron Man. Ngayon ko lang naisip na halos pareho sa mga kaganapan dun yung mga kaganapan sa aming ng Biik ko nitong mga nakaraan araw. Oo, humanda ka na sa kakornihan at kamushyhan ng post na ito. Cheesy to, inuunahan na kita. Heheh.
Si Iron Man, hindi naman talaga siya pinlano ni Tony Stark na gawin, bigla lang niya naisip na gumawa dahil kailangan niya. Yung sa amin ni AJ, wala talaga sa plano, bigla na lang isang araw magkasama na kami palagi, magkausap at parang kami na hindi naman. Heheh.
Nung nagawa yung unang Iron Man, nagawa niya ng maayos yung intensyon ng pagkakagawa sa kanya. Hindi man pinlano yung sa amin ni AJ pero nagclick naman kasi kaya maganda ang naging takbo ng relationship namin, sa una.
Pagkatakas ni Tony Stark dun sa kuta ng mga kumidnap sa kanya, nasira si Iron Man dahil hindi pa masyado maganda ang pagkakagawa sa kanya. Ilang buwan din kami masaya ni AJ
pero nung unang beses na nagkaroon ng malaking problema na ako ang may kasalanan, nasira kaagad yung relasyon namin at nagresulta sa unang paghihiwalay. Although hindi naman talaga mukang naghiwalay, technically break pa rin. Heheh.
Binuo ulit ni Tony Stark si Iron Man pero this time, masmaganda na yung blueprint ni Iron Man at nagamit na niya rin ang mga high tech tools niya kaya maspulido na yung pagkakagawa. After two months naming break na hindi naman mukang break, ayon, kami na ulit ni Biik, at this time mas-ok na kesa dun sa unang part ng relationship namin dahil doon sa two months napagusapan ng maayos yung mga bagay na dati pa dapat napagusapan. At dahil dun, alam na namin kung paano masmaayos yung relasyon namin.
Tinest run ni Tony Stark ang bagong Iron Man niya. Sa kasarapan ng pagtetest run ni Tony Stark kay Iron Man lumipad xa ng mataas na mataas na mataas, at sa kataastaasan ng lipad ni Iron Man biglang nagshutdown at naubusan ng power yung artificial heart niya na pinagkukunan ng lakas ni Iron Man at nagsimula siyang mahulog mula sa super taas na lugar pababa. Sa kasagsagan ng masayang pagsasama namin ni Biik simula ng nagbalikan kami, bigla na lang nagkaroon ng isang malaking problema na hindi ko na masyadong bibigyan ng detalye pa dito. Basta imaginine niyo na lang, super ganda na ng tingin ko sa relasyon namin, alam kong masaya na talaga kami, sukdulan din ang tiwala ko sa kanya at sukdulan din ang honesty na binigay ko sa kaniya, tapos bigla na lang nagkaroon ng malaking problema na sobrang nakakalungkot talaga, nayanig ng husto ang relasyon namin.
Nung malapit ng sumadsad sa lupa si Iron Man mula sa kaniyang pagkakabagsak ng napakataas, parang hopeless na talaga pero biglang bumalik ang power ng artificial heart niya at nakalipad na siya ng maayos, sakto lang para hindi bumagsak sa lupa at magkalasog-lasog o kung ano pa mang disaster. Sobrang tindi nung dumaang problema sa amin ni Biik nung nakaraan, akala ko talaga hindi ko makakayanan. Akala ko wala ng pagasa, pero ang love nga naman. Heheheh.
Pagkatapos ng insidenteng iyon, bumalik si Tony Stark sa lab niya at dahil alam na niya kung ano ang kakayahan ni Iron Man nalaman na rin niya kung ano ang mga dapat ayusin at palitan kay Iron Man para gawin itong masmatibay at masmalakas, kaya nung sumunod na sumabak sa labanang matindi si Iron Man, malakas na siya. Ngayon alam na naming ng Biik kung ano ang mga naging mali, at dahil dun alam na namin kung ano ang dapat iwasan, ano ang dapat gawin at paano magmamaintain. Sana nga lang talaga mamaintain para sa susunod na magkaroon na naman ng problema, although sana hindi na magkaron pero mabuti na talaga yung handa, eh masmadali na naming malalagpasan dahil masmatibay na kami, more than ever! Heheh..
Ano bang magagawa niyo kung nakikita ko yung sarili ko kay Tony Stark at yung relasyon naman namin ng Biik si Iron Man? Haayzzz.. Ang hirap talaga ng magiisang taon na 25 days from now, heheh. Nagiging korni at cheesy yung mga post ko. Hahahah. I love you, Biik! ^____^
Sunday, June 1, 2008
Iron Biik
brain leak by parapampam at 10:23 AM
Labels: cheesyness, wootness
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment