Saturday, June 14, 2008

Hindi Nga, Buhay Pa?

Ang hirap talaga ma-ambush ng panibagong monster kapag kagagaling mo lang sa isang boss at halos paubos na ang HP at MP mo pati na rin mga ka-ekekang pang-heal eklavu. Muntik na naman akong mamatay ng hindi oras. Haayyzz. Yun lang masasabi ko.

Another sick metaphor, watdamadafakinpak?

Friday, June 13, 2008

Ultimate Martyr's Song?

It's almost 3 in the effin early morning. I don't even consider it morning. It's still part of my night. Harhar. In this effin everybody else's wee hour, I'm singing this effin song at the top of my lungs. Nyahah. Sorry na, late reaction na naman ako sa mga nauusong kanta sa main stream ng radio. I just feel this song uber much. So martyrs' song, so me. Hahah. I was actually looking for the title of the song with the lines "how do I get to our love" eklavu, but it turned out that the real lyrics was what I originally thought it was but thought was kinda funny in the ear and sounds a little rapist so I made myself believe that "how do i get you alone" was really "how do I get to our love." Harhar. Then I found this song's title in a list at the page's side, got curious and clicked it. So there, now that I knew I can effin relate to every bit of the effin lyrics, I can't stop singing it. And it's effin 3AM in everyone else's effin MORNING! Harhar. I believe this is the second time, for all my years of blogging, that I'll post song lyrics. Harhar.

Bleeding Love - Leona Lewis lyrics
Closed off from love
I didn't need the pain
Once or twice was enough
And it was all in vain
Time starts to pass
Before you know it you're frozen

But something happened
For the very first time with you
My heart melts into the ground
Found something true
And everyone's looking round
Thinking I'm going crazy

But I don't care what they say
I'm in love with you
They try to pull me away
But they don't know the truth
My heart's crippled by the vein
That I keep on closing
You cut me open and I

Keep bleeding
Keep, keep bleeding love
I keep bleeding
I keep, keep bleeding love
Keep bleeding
Keep, keep bleeding love
You cut me open

Trying hard not to hear
But they talk so loud
Their piercing sounds fill my ears
Try to fill me with doubt
Yet I know that the goal
Is to keep me from falling

But nothing's greater
Than the rush that comes with your embrace
And in this world of loneliness
I see your face
Yet everyone around me
Thinks that I'm going crazy, maybe, maybe

But I don't care what they say
I'm in love with you
They try to pull me away
But they don't know the truth
My heart's crippled by the vein
That I keep on closing
You cut me open and I

Keep bleeding
Keep, keep bleeding love
I keep bleeding
I keep, keep bleeding love
Keep bleeding
Keep, keep bleeding love
You cut me open

And it's draining all of me
Oh they find it hard to believe
I'll be wearing these scars
For everyone to see

I don't care what they say
I'm in love with you
They try to pull me away
But they don't know the truth
My heart's crippled by the vein
That I keep on closing
You cut me open and I

Keep bleeding
Keep, keep bleeding love
I keep bleeding
I keep, keep bleeding love
Keep bleeding
Keep, keep bleeding love
You cut me open and I

Keep bleeding
Keep, keep bleeding love
I keep bleeding
I keep, keep bleeding love
Keep bleeding
Keep, keep bleeding love
You cut me open and I
Keep bleeding
Keep, keep bleeding love

Wednesday, June 11, 2008

Stress Ball Mode

Ang aga-aga, isang malaking GRRR na kaagad. Nakakainis talaga. Wala pang 7:30 ng umaga, nakaupo lang naman ako sa kama, hawak ko yung fone ko na kasasaksak ko lang para i-charge, akalain mong nagawan pa iyon ng issue? "Ano ba yan? Puro na lang sa lalaki umiikot yan buhay mo. Magasawa na nga kayo! Kapag oras ng pagaayos para sa pagpasok mo sa trabaho 'wag mo na haluan ng panlalalaki mo. Mahirap humanap ng trabaho ngayon, tapos lagi kang late!" WTF? 7:30 pa lang ng umaga, anong oras ba ako umaalis ng bahay? 9:30. Sakto na yon para dumating ng saktong 10:00 sa office. Hayzz.

Pero kasi ganito ang pinaghugutan niyan eh. Kahapon kasi pumunta si AJ ng maaga sa bahay, may dalang pancakes galing sa Pancake House. Gabi pa lang kasi sabi na niya breakfast daw kami ng sabay, pero akala ko drawing lang yon, hindi pala. Katext ko pa siya bago ako bumangon nun sa kama, at wala talagang kahint-hint na bigla na lang siyang dadating dun sa bahay na may dalang pancakes. Dumating siya siguro mga bago mag-8 ng umaga.

Eto kasi yung normal morning routine ko. 6 pa lang tumutunog na yung alarm clock ng fone ko. Babangon ako kaagad pero actually lilipat lang ako ng kwarto sa 2nd floor, dun sa kwarto talaga namin. Kapag kasi nagpaabot pa ako sa kwarto sa baba ng mga 7 uuratin na ko ng nanay ko sa pagising sa akin. Pagkalipat ko sa 2nd floor matutulog ulit ako hanggang mga 8:30 tapos direcho ligo, bihis, pasok. Usually sa office na ko nagbre-breakfast kasi oatmeal lang tinatangap ng tiyan ko sa umaga tsaka wheat bread.

So ayon nga. Eh 'di sabay nga kami nagbreakfast dun sa bahay namin. Hindi naman ako masyadong worried sa time kasi nga ang aga-aga pa naman. Siyempre, alam ko naman ang oras ko 'di ba? So natapos kami magbreakfast mga 9, manonood din kasi siya ng laro ng Lakers at Celtics habang naliligo ako. Eh bago pa ako maligo tinignan ko muna yung opening chuvaness nung game. Sa akin, alam ko naman kasi na 20 minutes lang ako maligo so hindi pa rin ako worried sa time kahit na 9 na nun, tsaka usual p ngang start ng pagligo ko kapag wala si AJ mga 9:15 pa nga eh. So ayon nga, tinignan ko muna yung opening kalandian nung game, sakto biglang umakyat si Ma. Gulat na gulat siya dahil hindi pa ako nakakaligo. Nagalit pa siya sa akin, "Ano ba talaga masmahalaga sayo? Magasawa na nga kayo! Ang hirap hirap maghanap ng trabaho, ayus-ayusin mo nga buhay mo!" Woot! Eh kung tutuusin nga ang ang aga pa nun, 9 pa lang, eh yung normal nga na ligo ko 9:15 minsan nga 9:30 na. Hayzz lang. Nung umalis nga kami ni AJ ilang minutes earlier pa yun sa usual na alis ko kapag umaga. Ang aga pa nga namin dumating ng office eh, considering na tumayo pa kami ng matagal dun sa may tawiran sa Countryside dahil may pinagdiskusyunan pa kami. Aheheh.

Grr lang. Nakakainis. Parang naging obligasyon ko na kasi sa bahay na saluhin lahat ng init ng ulo ng nanay ko. Tuwing na lang kasi mainit ulo niya sa akin kaagad siya pumupunta at isesermon lahat ng pwede niyang isermon sa akin, ultimo mga dapat niyang isermon sa iba niyang anak sa akin pa rin minsan sinesermon. Hayzz. Ang hirap talaga ng hindi sumasagot sa nagsesermon na nanay kahit most of the time hindi na naman talaga tama yung sinasabi niya. Hayzz lang. Tapos samahan mo pa ng mga kapatid na minsan na nga lang makakasalo ng galit ni Ma magagalit pa sa akin na parang obligasyon ko talaga na saluhin yung mga galit na yun. Hayzz. Ang dami ko pa sanang gustong sabihin, naghihimutok na naman yung dibdib ko kaya lang sa dami nun baka bukas ko pa ito ma-post. Grr kasi talaga. Lalo ko na naman tuloy gustong lumipat ng office na may malaking sweldo para makapag-move out na ako. Hayzz. Hayzz lang talaga.

Happy For A Happy Egoy

Although I made a promise that I won't blog about this, I just can't help being uberly happy for him. Heheh. Reading this, so far, probably would make him want to strangle me. I'm so happy for him, I really want to hug him every time I see him, although I hug him on a regular basis already, but recently the urge is different. Harhar.

The reason why I'm uber happy for him is because he found a reason to be "seriously" in love. Heheh. Even before he told me who it was, I'm already uber happy for him when he told me about wanting to settle in a serious relationship. For the Nth time, I'm really uber happy. ^__^

Grrr. That girl is really lucky. And I think, too, that he's lucky. Heheh. I never had a negative anything for him from the first day I met him. I actually like him because he's so effin funny, although some thinks he's annoying. Someone even said he's not boyfriend material, and I totally opposed it already even before I had heart to heart talks with him. And now that I knew how sensible this guy is despite others thinking that he's annoying and all that other shit, having to know him a little deeper than others dare made me love him. Love for a friend, that is. Nothing romantic, mind you! I believe he and AJ understand what I'm talking about. Harhar.

Now I know why AJ told me when we broke up that if ever we don't end up together, he would be happy to know I will be with that person. Those were the days when I'm so glad I have someone as effin funny as he is for a friend. No serious talks with him yet. Harhar. AJ mistook it as having a crush on him, that's why he told me that. Harhar. Well, I'm no hypocrite to say that if ever someone like him offers love to me and I'm single I won't accept it. Harhar.

Again, for the Nth time, I'm uber happy for him. You wouldn't really expect something like this from him especially if you're judging him already without even daring to know him a little deeper. I'm so glad I have him as a friend. I love him! Harhar! I really wish him happiness. ^__~

Monday, June 9, 2008

Are You Happy On A Shooting Star?

After exactly a year, two months and two days of not seeing one, as I regularly had for about 3 years in the past, today I saw a shooting star. Although I missed it badly in the past year, I never really put too much effort on seeing one, not until last March, when significant discussions and an unexpected event made me realize that I should do something about my longing for shooting stars.

A few months prior to that realization I had last March, I was scared of looking up to the night sky with the thought of seeing a shooting star. I thought it was so hopeless so I didn’t try that hard for fear of being dismayed. For three months now, I was able to shake off that fear. Every now and then, I look up to the sky at night waiting for one. Effort. Effort. I know I wouldn’t see one without any effort. So, in every moment that I had a chance, I would gaze up and wait for those now so rare seconds of it. So rare, for three months I didn’t see one.

But with all the efforts of waiting, something very sudden happened. It was totally unexpected; I was caught off guard. Someone saw what I had been waiting for in so long and bragged it in my face. I got crushed. Why to that person, and why not to me? It almost killed shooting star dreams, but I thought, I was the one who deserved it more than any one, I should get a hold of mine, so I continued waiting.

Earlier today, finally after more than a year, I saw again a shooting star. But what a big, big GRRR. The moment was far from remarkable. I didn’t enjoy it. Maybe it was because I was not in the right place at the right time, but still I think it’s not just the place and time. I have this feeling that I didn’t do my part well. It’s there. Silver dust striding to the jet black sky, yet being so overwhelmed by the fact that I haven’t seen it for more than a year spoiled it all, thus, making it so less gratifying. Grrr. Just grrr. I’ll just wait for the next shooting star. This time, I hope, I’ll be less overwhelmed and less tensed and bother by the thought that I might not enjoy it again.

So cheesy, huh? Effin sick metaphors. Damn. I totally suck at it, big time.

Wednesday, June 4, 2008

Update Galore

Dahil late ako sa make-up sked ko ngayong araw at dahil medyo wala pa ako sa mood magpakaburo ulit sa sandamakmak ng VB6 codes: Updates. Updates. Yehey! Dahil may mga updates na naman sa mga previous post ko, ayan, updates galore ako ngayon. Heheh.

My Not-So-Emo Boys
They're not emo anymore! I'm so happy for them. Harhar. Si boy loves girl okay na sila ni girlpren niya. Happy na siya dahil nakikitaan na niya ng pagbabago at ng effort si girlpren niya. Hindi na siya emo. Heheh. Si other emo boy naman, ayon. Basta happy siya ngayon. Ayaw ko ng magbigay ng details, basta happy siya ngayon. Super happy rin naman ako dun sa dahilan ng pagiging happy niya. Heheh. Love ko talaga yung dalawang yun. *hugs them both* Woot!

Thursday ng Friday at Thursday ng Saturday
As expected, hindi ako nakapanood. Hehehuhuhuh. Gusto ko talaga, lichi. Pero ganun talaga eh. Mahal na mahal ko pa naman ang Thursday. Hayzz.

Unconvincing Truth

Hindi ito tungkol kay ***** dahil hindi naman talaga siya yung totoong topic nung post na yun, hahah. Anyhoo. Wala pa rin akong magagawa kung may mga tao sa palagid na masayang nanguurat ng ibang tao sa kadahilanang wala silang magawa sa kani-kanilang mga sariling buhay at may mga issues sila sa sarili nila na feeling nila matatakpan ng panguurat nila sa mga ibang tao. Harhar. Nagpapakasaya sila at the expense of others. Wala rin lalo akong magagawa kung mahilig mambaliktad ng istorya yung mga taong yun just so others will think na sila yung kawawa, sila yung mabait, at kung ano pang ka-eklavuhan. Kung wala naman akong pakialam dun sa mga sasabihin nung mga pinagsasabihan niya ng mga sarili niyang version ng istorya, bahala na siya sa buhay niya. Basta ang mahalaga sa akin, alam ng mga taong mahalaga sa akin yung totoo, wala na akong pakialam sa iba.

Picanto Adventure, First And Last?
Sa huling update ni Patt sa akin ng kaniya sked sa school, yung 3 days niyang pasok na Monday, Wednesday at Friday ay mukang magiging two days a week na lang. Make-credit daw ata yung 3 units nung subject na binagsak niya last sem kya posibleng wala na siyang pasok ng Friday. Tapos kamusta naman yun na coding nga si Pica ng Wednesday hindi ba? Tapos ang pasok naman niya ng Monday 7:30AM to 6PM. Kaya lang naman ako nakakagising ngayong mga nakalipas na araw para makapasok ng 8AM na shift dito sa office ay dahil motivated ako ng 12 work hours kong dapat i-makeup. Kulang na motivation sa pagising ng maaga ang pagpapaalipin sa maarteng kapatid na ayaw mausukan ng jeep. Woot!

Inhale. Exhale. Inhale. Exhale....
Sige lang tuloy pa. Harhar. Dahil masyado akong natutuwa talaga dito sa linya na ito ilang weeks na, actually 1 month na nga ata eh, heheh, tatype ko siya ulit dito bago ako magupdate. "If I keep holding my breath all of these would fade away. If you keep driving we'll be lying in a wreck." So ayan na nga yun, ngayon ko na lang siya irerelate dun sa huling post ko. Kung gugustuhin ko naman kasi, sa dami ng problema namin ngayon ng Biik ko pwedeng itigil ko na lang hindi ba? Pero sabi nga ni Vinny, that's the easy way out -- the way for losers. Oo na, hindi naman ako plastik para sabihing hindi ako natatakot sa mga posibleng maganap, given the issue that we last had, pero dahil mahal ko ang Biik ko pinipili kong ipagpatuloy at magtiwala ulit sa kaniya. Yun na yun. Nagkasundo na rin kami tungkol dun sa transparency and openness thingy. Medyo nagkaroon lang ng misunderstanding sa pagtetext namin na iyun nung hapon. Although medyo naguguluhan pa rin ako ng konti, I'll let things be na lang. Sabi kasi niya kaya daw ayaw niya dahil alam niyang mahihirapan ako mag-adjust at ayaw daw niya ng ganun. Haayyzz. Basta, bahala na lang. Basta gagawin ko na lang kung ano sa tingin ko yung tama. Bahala na kung pano niya itatake yun. Haayyzzz. Eto na naman ako. Woot!

Inhale. Exhale. Hayzz.

If I keep holding my breath all of this would fade away. If you keep driving we'll be lying in a wreck.......
Signals Over The Air - Thursday

Sorry na, wala lang. Nabanggit ko lang naman yung linya na yan although hindi naman totally related yan sa post na to. Medyo lang. Harhar.

Hayzz. Konti na lang sana yung gagawin ko dun sa isang task ko pero nawala na naman ako sa mood magtrabaho, kaya eto, blog mode na naman.

Nakakalungkot lang isipin kasi na may mga bagay talaga na hindi pwedeng ipilit. Eto na naman ako, nasabi ko na nga ito sa isang post ko, pero ganun naman kasi talaga. Grrr. Grrr lang.

Ikaw na nga yung mageeffort, bukal naman sa loob mo, na magbigay ng buong buo pero nakakalungkot isipin na may mga ayaw pa ng ganun. Ang labo lang. Why would you settle for less if you can get more without effort sa panghihingi? Hayzz lang.

Pero naisip ko rin, siguro nga sobra na kasi yung binibigay ko. Oo na, nakalimutan ko kasi na masama nga rin pala ang sobra. Sorry na.

Pero kasi ganito lang naman yun. Hindi naman kasi ako umaasa na ibigay niya rin ng buo sa akin yung kaniya, pero hindi naman ako plastic para sabihin na wala akong ineexpect na kahit ano sa pagbibigay ko ng buo ng akin. Uber minimal lang naman yung ineexpect ko, simpleng appreciation lang naman or acknowledgment sa gusto kong ibigay. Kaya lang bukod sa hindi na nga tinanggap, pinagalitan pa ako.

Hayzz. Dahil hindi ako makatiis na hindi magbigay ng details, eto na.

Ganito kasi yun, I was giving AJ full visibilty sa lahat ng mga ginagawa ko lalo na sa things involving *****, si upismeyt na nasa post ko nung isang araw. Naisip ko kasi, wala namang issue sa mga kulitan namin ni *****, sa mga harutan namin, lambingan naming pang mag-utol, tsaka, oo na, sa pangungurot ko ng utong niya na ginagawa ko rin naman sa ibang ka-close kong lalaking GYC dito sa upis, tsaka lahat lahat pa ng mga ginagawa namin ni *****. Iniisip ko kasi na sabihin sa kanya lahat dahil ayaw ko ng may kahit anong hindi sinasabi sa kanya. I was after 100% openness and honesty sa kanya. Pero isang malaking GRRR. Dahil nae-emo siya, oo na, mali na nga yung ganun.

At dahil nga alam ko ng mali, nakaisip ako ng solusyon. Naisip ko, para mamaintain pa rin ang transparency ko sa kaniya sa lahat ng ginagawa ko, at dahil din mabigat sa utak ko na may something na alam kong dapat alam niya pero hindi ko dapat sabihin sa kadahilanang mae-emo siya, para wala na lang mga bagay na hindi sasabihin, kahit na ba sa rason na ang bagay na yun ay "BETTER LEFT UNSAID" naisip kong hindi ko na lang gagawin yung mga bagay na yun. Oo, iiwas na ako sa mga harutan at kulitan sa kuya ko. Para wala na rin kasi siyang ipage-emo pa, pero 100% open pa rin ako. Hayzz.

Adjust. Adjust. Ako na nga yung willing sa malaking paga-adjust pero ako na naman yung mali. Ang hirap naman, ang bigat na naman ng utak ko. Hindi ko kasi maintindihan kung bakit hindi na nga niya tinanggap yung offer ko nagalit pa siya sa akin. Sabi pa niya mas-ok na naman daw kasi yung hindi na lang sabihin sa isa't-isa yung mga bagay na ikae-emo ng isa. Asan ang honesty dun? Napagiisip na naman tuloy ako ng negative, na baka natatakot siya na kapag naging ganun ako sa kaniya magexpect ako na maging ganun din siya kaopen at natakot siya dahil marami pala siyang mga things na "better left unsaid." Hayzz. Pessimist mode. Balik na naman sa trust issues.

Hayzz. Ang labo lang talaga. Nalalabuan ako. Hindi ko talaga maintindihan. Hihinga na lang ako ng malalim. HAAAAAYYYYYZZZZ.

Monday, June 2, 2008

First Picanto Adventure

Matapos ang animo'y walang katapusang pagdadasal na sana payagan na akong magdrive ng magisa, FINALLY nangyari na rin sa wakas. Harhar. Ilang weeks na rin namang napaguusapan sa bahay na kapag pumasok na ulit si Patt, dadalin ko na araw-araw si Pica, since magkatabi lang yung office ko at school niya, sabay na daw kami papasok. Although super gusto ko naman talaga magdala na ng sasakyan dahil alam nating lahat ang benefits ng may dalang sariling sasakyan, umalma pa rin ako sa nanay ko dahil kamusta naman kasi na 30 pesos lang ang pamasahe ko araw-araw balikan na yun pero kamusta naman din ang presyo ng gasulina ngayon. Kahit na ba sabihin pa natin na halos uber lapit lang naman ng office ko sa bahay namin, at sa pagkaka-calculate DAW ng tatay ko eh more or less mga 1 liter a day lang lalaklakin ni Pica, hello?? Halos 55 pesos na po per liter ang gas, GRRR. At kamusta naman din na kahit kasabay ko ang kapatid kong napakasensitive sa usok ng mga jeep, nararamdaman kong bukod sa ako na nga ang nagsusupply ng load sa kanya buwan-buwan pati ata ngayon transpo cost nya papasok ng school. Harhar.

Anyhoo. Picanto adventure proper na tayo. Hahahah. Nung umaga ayos naman. Ay teka, ayos lang ba yung tatlong beses namatayan ng sasakayan? Hahahah. Pero kasi, if you had experienced driving my Pica, hindi ka na rin naman talaga magtataka kung ang isang katulad kong baguhan ay mamatayan talaga. Tsaka namatayan naman ako dun sa palabas ng subdivision sa may amin, ung uber tarik na pataas siya tapos ang daming dumadaan. Pati dun sa pataas din na intersection sa may Manggahan, Floodway. Hahahah. Bago pa nga ako, pagbigyan niyo na ako. Heheh. Tapos nung pagdating ko sa office, kung saan na lang nagshoot yung pwet ni Pica, dun na lang ako nagpark. Heheh. Buti na lang kasama rin namin yung isa kong tito na although hindi naman nagddrive, mahusay naman mag-guide sa mga tatanga-tanga magpark. Wahahah.

Nung pauwi na ako, eto ang masaya. Harhar. Kung gugustuhin ko, at ayon na rin sa utos ng nanay at tatay ko, sa Manggahan na lang ako dadaan pauwi para bukod sa masmaiksi na yung dadaanan ko, lesser gas na kailngan, wala pang traffic masyado dun. Pero dahil nga unang beses ko pa lang magdadrive ng TALAGANG MAGIS medyo na-scared ako kaya sinabay ko na sina Ykai, Ren at Vinny. Sa IPI ang daan namin dahil dun sila bababa.

Sa una, MUKANG okay naman. Wala naman gaanong problema, ayaw lang bumukas nung liching radio. Hahah. Yung liching clutch lang talaga yung panira. Sukat ba namang sa mismong IPI pa talaga siya ulit naginarte. Kamusta naman na namatayan ako sakto pagka-green ng traffic light sa intersection ng IPI at ako pa naman ang nasa unahan ng lahat ng sasakyan. Wahahah. Siyempre, panic galore na naman ako. Medyo natagalan tuloy ang pagstart ulit ni Pica. Tapos nakita na lang namin nila Vinny na palapit na yung Manong TMPO. Nasakto pa na nung malapit na siya umandar na kami ulit. KABOG. KABOG. Hahahah. Kamusta naman din kasi na pinapahinto niya ako eh nasa gitna na ako ng mismong intersection, kaya ayon, tinuloy ko lang. Wahahah. KINABAHAN AKO! Wahahah. Tapos kamusta naman din na uber traffic dun sa IPI kya no chance pa na makatakas dun kay Manong TMPO. Tapos good luck din dahil kailangan ko pang mag-pass sa lahat ng lane nung isang side ng intersection na iyon mula sa pagkaka-u-turn para lang makaliko papunta ng De Castro. Tapos, KABOG, KABOG, KABOG, si Manong TMPO naman, sukat ba namang parahin ako sa gitna ng uber nakakakabang pakikibaka ko sa lahat ng lane para makalusot papunta nga ng De Castro. Adik talaga yun. Pero kung hindi ko kasama sina Vinny nun, kung hindi baka naiyak na ako sa sobrang kaba. Hahah. Buti na lang kahit monstrous yung itsura ni Manong TMPO hinayaan na lang niya ako. Hahahah.

Tapos, dahil hindi ako makagilid dahil natakot ako sa mga bus dun sa IPI, ayon, sa Rosario ko na naibaba sila Ykai. Sorry na! Huhuhuh. Feeling ko pa sobrang kabadong kabado rin yung tatlong yun sa pagdadrive ko. Hahahah. Sabi pa ni Ren grabe daw makakapit si Ykai nun. Heheh.

Pagkababa nila matiwasay naman akong nakauwi. Kahit na uber kabado akong mamatayan na naman dun sa uber traffic na tulay bago lumiko ng De Castro. Weakness kasi talaga ng team-up namin ni Pica yung mga hanging na ganun, tapos from full stop aandar. Hahahah.

Hindi ko nga dala si Pica ngayon eh. Hindi ko alam kung fortunately ba, o unfortunately, pero tingin ko unfortunately naman siya, heheh, nakuha na kasi ni Patt yung final sked niya at Monday, Wednesday and Friday lang kami pwede magsabay. Coding si Pica ng Wed kaya ayon, Monday at Friday ko lang dala si Pica. Pero tingin ko papagamit pa rin naman sa akin ni Ma yun kapag trip ko. Heheh.

Sunday, June 1, 2008

Iron Biik

Katatapos ko lang magayos na kabinet ko. Pagka-upo ko sa kulay red na sofa sa dressing room namin, habang sinasatisfy ko ang trichothillomania attack ko, naisip ko lang bigla yung movie na Iron Man. Ngayon ko lang naisip na halos pareho sa mga kaganapan dun yung mga kaganapan sa aming ng Biik ko nitong mga nakaraan araw. Oo, humanda ka na sa kakornihan at kamushyhan ng post na ito. Cheesy to, inuunahan na kita. Heheh.

Si Iron Man, hindi naman talaga siya pinlano ni Tony Stark na gawin, bigla lang niya naisip na gumawa dahil kailangan niya. Yung sa amin ni AJ, wala talaga sa plano, bigla na lang isang araw magkasama na kami palagi, magkausap at parang kami na hindi naman. Heheh.

Nung nagawa yung unang Iron Man, nagawa niya ng maayos yung intensyon ng pagkakagawa sa kanya. Hindi man pinlano yung sa amin ni AJ pero nagclick naman kasi kaya maganda ang naging takbo ng relationship namin, sa una.

Pagkatakas ni Tony Stark dun sa kuta ng mga kumidnap sa kanya, nasira si Iron Man dahil hindi pa masyado maganda ang pagkakagawa sa kanya. Ilang buwan din kami masaya ni AJ
pero nung unang beses na nagkaroon ng malaking problema na ako ang may kasalanan, nasira kaagad yung relasyon namin at nagresulta sa unang paghihiwalay. Although hindi naman talaga mukang naghiwalay, technically break pa rin. Heheh.

Binuo ulit ni Tony Stark si Iron Man pero this time, masmaganda na yung blueprint ni Iron Man at nagamit na niya rin ang mga high tech tools niya kaya maspulido na yung pagkakagawa. After two months naming break na hindi naman mukang break, ayon, kami na ulit ni Biik, at this time mas-ok na kesa dun sa unang part ng relationship namin dahil doon sa two months napagusapan ng maayos yung mga bagay na dati pa dapat napagusapan. At dahil dun, alam na namin kung paano masmaayos yung relasyon namin.

Tinest run ni Tony Stark ang bagong Iron Man niya. Sa kasarapan ng pagtetest run ni Tony Stark kay Iron Man lumipad xa ng mataas na mataas na mataas, at sa kataastaasan ng lipad ni Iron Man biglang nagshutdown at naubusan ng power yung artificial heart niya na pinagkukunan ng lakas ni Iron Man at nagsimula siyang mahulog mula sa super taas na lugar pababa. Sa kasagsagan ng masayang pagsasama namin ni Biik simula ng nagbalikan kami, bigla na lang nagkaroon ng isang malaking problema na hindi ko na masyadong bibigyan ng detalye pa dito. Basta imaginine niyo na lang, super ganda na ng tingin ko sa relasyon namin, alam kong masaya na talaga kami, sukdulan din ang tiwala ko sa kanya at sukdulan din ang honesty na binigay ko sa kaniya, tapos bigla na lang nagkaroon ng malaking problema na sobrang nakakalungkot talaga, nayanig ng husto ang relasyon namin.

Nung malapit ng sumadsad sa lupa si Iron Man mula sa kaniyang pagkakabagsak ng napakataas, parang hopeless na talaga pero biglang bumalik ang power ng artificial heart niya at nakalipad na siya ng maayos, sakto lang para hindi bumagsak sa lupa at magkalasog-lasog o kung ano pa mang disaster. Sobrang tindi nung dumaang problema sa amin ni Biik nung nakaraan, akala ko talaga hindi ko makakayanan. Akala ko wala ng pagasa, pero ang love nga naman. Heheheh.

Pagkatapos ng insidenteng iyon, bumalik si Tony Stark sa lab niya at dahil alam na niya kung ano ang kakayahan ni Iron Man nalaman na rin niya kung ano ang mga dapat ayusin at palitan kay Iron Man para gawin itong masmatibay at masmalakas, kaya nung sumunod na sumabak sa labanang matindi si Iron Man, malakas na siya. Ngayon alam na naming ng Biik kung ano ang mga naging mali, at dahil dun alam na namin kung ano ang dapat iwasan, ano ang dapat gawin at paano magmamaintain. Sana nga lang talaga mamaintain para sa susunod na magkaroon na naman ng problema, although sana hindi na magkaron pero mabuti na talaga yung handa, eh masmadali na naming malalagpasan dahil masmatibay na kami, more than ever! Heheh..

Ano bang magagawa niyo kung nakikita ko yung sarili ko kay Tony Stark at yung relasyon naman namin ng Biik si Iron Man? Haayzzz.. Ang hirap talaga ng magiisang taon na 25 days from now, heheh. Nagiging korni at cheesy yung mga post ko. Hahahah. I love you, Biik! ^____^

Unconvincing Truth?

You can't force people to believe the truth, most especially if they just don't wanna believe it. Hayzz. Ganun talaga eh, wala naman talaga tayong magagawa sa mga sariling utak ng mga tao sa paligid natin kung hindi intindihin na lang sila, meron lang talagang mga taong sarado at matigas ang makikitid na utak. Pero hindi rin naman lahat sa kanila nakakainis, yung iba lang. Yung iba naman kasi, may rason naman at tamang pinaghuhugutan kaya mahirap mapaniwala sa katotohanan.

Example ng hindi nakakainis, eto. Hindi ko na lang sasabihin yung pangalan nung isa kasi baka kahit wala namang dapat ikapraning yung girl friend nya, mapraning pa rin. Heheh. Nung isang gabi, sa tapat ng office namin, habang hinihintay namin ni ***** yung mga ibang kasama namin uuwi nakita kami nila Miss Kat at Sir Mike habang nasa parking lot sila at hinihintay lumabas ang ibang seniors. Tulad ng dati, inasar na namin kami ni Miss Kat. Heheh. May date na naman daw kami ni *****, tapos nung sinabi naming wala ang sagot ni Miss Kat sa amin, "Kaya kayo naiissue eh, lagi kayong magkasama." Heheh. Isa si Miss Kat sa mga love kong seniors sa office namin, tanggap ko yung mga biro niyang ganun sa amin ni *****. Heheh. Hindi naman ako nainis o kung ano pa man dahil dun sa nangyari na yun sa parking lot, sanay na rin naman ako, pero naisip ko lang, hindi talaga lahat ng bagay madaling ipapaniwala sa ibang tao.

Alam naming pareho ni ***** na wala naman talagang dapat i-issue sa aming dalawa. Sa totoo lang, sanay na rin naman talaga kami na iniisip ng mga ibang tao sa office na merong something sa aming dalawa. Oo, meron nga, pero hindi tulad ng iniisip nila. Meron kaming magandang relasyon bilang magkuya. Mahirap paniwalaan para sa iba na ang isang babae at lalaki na super close sa isa't isa ay walang romantic something, pero wala naman talaga yung sa amin. Nakakatuwa pa nga isipin, na kahit kadalasan ang bonding naming dalawa ay labasan ng emoness tungkol sa kanya-kanya naming karelasyon, recently lang eh gumaganda na yung takbo ng kanya-kanya naming relationships. Pareho na rin kami ng lagay ngayon at ng favorite line, "eh, mahal ko, eh." Hahahah. Sabi nga niya recently lang habang nagkekwentuhan kami tungkol sa problema ko, "magkuya nga tayo." Hahahah.

Actually, hindi ko naman talaga ako nagpost ng ganito ngayon para mag-clear out ng mga issue tungkol sa amin. Naisip ko lang na magandang example kasi iyon para dun sa naisip kong topic para sa post na ito na katotohanang mahirap ipilit sa iba na paniwalaan. Tsaka hindi lang din naman kasi ung incident sa parking lot last Friday yung nagtrigger sa akin na magsulat ngayon ng tungkol sa pagpapaniwala sa mga tao ng katotohanan. Meron pa.

Nung mga nakaraang araw kasi meron isang tao na may isang bagay na pinagpipilitan. Paulit-ulit niya sinasabi ang isang bagay. Nakakatawa dahil ang layo naman sa katotohanan ng mga sinasabi niya tungkol sa akin, at produkto lang ng pag-aassume niyang ewan pero kung makapagsalita siya parang alam na alam niya, pero hindi naman talaga. Ayaw ko na rin mageffort na sabihin pa sa kaniya na mali yung sinasabi niyang yung tungkol sa akin, mukang wala namang pagasang maniwala yun at baka kung ano na namang maisip niyang panggugulo. Hayzz. Ayaw ko na lang magbigay ng iba pang details. Heheh. Ang mahalaga, alam ko at nung isa pang taong involve na hindi naman talaga tama yung sinasabi nung taong yun, bahala na siya basta kami masaya na kami ulit. Heheh.

 
template by suckmylolly.com flower brushes by gvalkyrie.deviantart.com